sa aking pagtanda sana ako'y unawain at pagpasensyahan,
kapag dala ng kalabuan ng aking mata ako'y makabasag,
nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan, maramdamin na isang matanda.......
nagsi-self pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako dahil mahina na ang tenga ko,
at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo sana naman akong sabihan ng "bingi" kundi pakiulit na lang o pakisulat na lang ang sinasabi mo,
Pasensya ka na talaga anak, matanda na ako.....
kapag mahina na ang tuhod ko pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo
katulad ng pag-gabay ko sa iyo noong nag-aaral ka pang lumakad.....
pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay makulit, at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lamang ako. Huwag mo sana akong pagtatawananaN o pagsasawaang pakinggan.....natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mong sinasabi, maghapon kang mangungulit hanggat hindi mo makuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
pagpasensyahan mo rin ang aking amoy, amoy matanda at amoy lupa na.
huwag mo sana akong piliting maligo, mahina na ang katawan ko.
madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.....
natatandaan mo noong bata kapa? pinagtitiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
pagpasensyahan mo sana kung madalas akong tulala,
dala na marahil ito ng aking katandaan, pagtanda mo maiintindihan m rin....
kapag may kaunti kang panahon, magkwentuhan naman tayo kahit sandali lang,
inip na ako sa aking buhay, maghapon nag-iisa at walang kausap.
alam kong busy ka sa iyong trabaho sa maghapon, sana malamn mo na sabik na sabik akong kakawentuhan ka pero alam ko naman na hindi ka makikinig at hindi ka interesado sa mga kwento ko........natatandaan mo anak nuong bata ka pa? Pinagtityagaan kong pakinggan at intindihin ang mga sinsabi mo kahit pautal-utal.
at kapag dumating ang sandali na ako'y magkasakit,
at maratay sa banig ng karamdaman huwag mo sana akong paalagaan sa iba,
pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay may amoy o wala,
pagtiyagaan mo sana akong alagaan
tutal hindi naman na ako magtatagal......
kapag dumating na ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng isang panalangin
harapin ang kamatayan at huwag kang mag-alala, malagot man ang aking hininga......
idadalangin ko na sana gabayan ka ng ating Panginoong Diyos.......
Dahil naging mabuti kang ANAK.
No comments:
Post a Comment