Simula pa nung una kong nasuot ang uniporme ko nung kinder pa ako, sumulat sa papel na may linyang red-blue-red gamit ang pencil, magbaon ng kanin sa school, gumamit ng trolley na bag hanggang naging backpack na may famous cartoon character na design at ngayon, nakauniporme ng kulay hindi naman masyadong dilaw at halos magmukha ng nerd sa school, napag-alaman ko na ang tunay na ebolusyon ay nasa eskwelahan.
Naalala ko pa nga dati nung unang araw ng pasukan ko nung kinder, halos humagulgol at maglumpasay na ako para hindi ako iwan ni mama. Tapos, mahilig kong isulat ang buong pangalan ko sa papel na binili pa sa National Book Store. Maliit lang yung school namin, halos kalahati lang ng canteen ng school ko ngayon. Pito lang kami sa klase -- dalawang babae at limang lalaki. Masayang masaya ako noon pag naririnig kong may "PE" at "recess". Minsan pa nga, nauubos ko ang sampung piso kong baon sa pagbili ng kung ano ano sa tray kahit may sarili akong baon. Dun din ako nagkaroon ng unang kaibigan, hindi ko na nga matandaan un pangalan niya ee. Alam ko si Clarice ata :))) Sabay kaming umuuwi nun, kasi parehas kaming nakabisekleta. Ang sarap kayang magpadulas sa malabundok na kalsada! Feeling mo ikaw na si Rose sa Titanic. O dba? san ka pa. :D
Bata palang ako, may crush na ako. Siya ung top 1 namen. Gusto ko parati kami magkatabi kaya pinagsisikapan kong maging top 2. Sa awa naman ng diyos, o baka tlagang tanga lang mga classmates ko, nakagraduate ako na Top 2.
Matapos ang masasayang araw ng kinfer at nursery, namulat sakin ang buhay grade elementary. Naalala ko nung unang araw ng pasukan, umiyak agad ako kasi iiwan ako ng mama ko sa school. Nakakainis kasi huli akong nag-enroll kaya no choice ako kundi mapunta sa pinakamababang section. Natatawa sakin mga classmates ko kasi ako pinakamalaki sa kanila tas ako pa ung umiiyak. Pero, ewan ko. Baka di lang talaga ako sanay na malayo ung school ko. Kasi nun kinder pa ako, wala pang 5 minuto, andun na ko sa school ko. Walking distance dba? kaya un sigurom. Ang feeling ko kasi pag umuwi ung mama ko ee hindi na ako makakauwi samin, o kaya walang magtatanggol sakin pag binully ako ng classmates ko. Wala nga ko kaibigan nun ee, sobrang tahimik ko lang dati. Ewan ko, siguro mas pinili ko lang talaga na mag-isa muna. Ayoko marinig sa mga kwentong payabangan ng mga kaklase kong mayayaman, o kaya tungkol sa mga crush ng mga kaklalase kong ubod ng landi, lalo namang yaw ko makinig sa mga formula sa math ng mga classmate kong nerdy, at mga walang kwentang kwento ng mga classmates kong weirdo. Mas okay pang kausapin ang sarili ko, nagkakaintindihan pa kami. Ang problema nga lang.. nagmumukha akong tanga. Quits naman dba? kesa naman di ka interesado sa mga nariring mo. Nabuhay ka pa sa mundo.
Hindi naging masyadong makulay ang buhay ko sa elementary dahil na nga sa wala naman akong kaibigan kuno. Pero ng dumampi sakin ang simoy ng highschool.. parang "WOW" exciting to.
Ang buhay ko ngayon ang maituturing kong pinakamakulay sa lahat. Tulad ng isang bahaghari na may iba't- ibang kulay at bawat isa nito ay may kahulugan. Tulad ng buhay, may iba't-ibang yugto, batay sa karanasan mo. May mga oras na maituturing mong sobrang saya dahil sa mga taong nagpapasaya sayo. May mga oras na umiiyak ka, nalulungkot dahil sa mga taong naghahangad na mangayari to sayo. Malupit pa, ung maBROKEN HEART ka. Masakit, hindi ka makakain, umiiyak ka, at halos hindi ka na makapagsalita. Pero may MOVE ON naman ee, sabi nga nila. Hindi naman pwedeng broken hearted ka habang buhay. May dumadating at may umaalis, meron din naman may uban na, naghihintay paren sayo pero ayaw mo. Wag ka mag-alalaa, darating ang Prince Charming mo, sumakay kasi ata ng kalabaw ee, antagal tuloy marating puso mo.
Sa mga panahon ding ito, mararanasan mo na hindi lang pala pwedeng mag add, subtract, divide, at multiply ang Math. Meron ng Square root, line segments, angles, planes, area, surface area, at kung ano ano pa. Malalaman mo na hindi lang pla simile metaphor at Hyperbole ang figures of speech. Malalaman mong natuto ka sa mga magagaling na guro, hindi ung papetix petix lang. Mararanasan mong mainis sa kanila dahil mali mali ang sinasabi sa inyo sa klase pero si mo makorek kasi natatakot ka. Mararanasan mong maging highest at lowest sa exam, mangopya, at magpakopya. Kung dati wala kang pakialam sa pulbo at pabango sa bahay nyo, hinding hindi yan pwedeng mawala sayo ngayon. Matatakot kang layuan ng mga kaklase mo dahil baka amoy hinog na bayabas ko o di kaya muka kang tigidig na tinubuan ng mukha. Masaya ang hayskul, SOBRA.
Pero hindi mawawala ung mga oras na may kaaway ko. OO kasama yun. Hindi naman kasi lahat ng tao gusto ko, may mga pagkakataong may naiingit sila sayo. Darating ung punto na iinit ng sobra ung ulo na halos kulang na lang ee sapakin mo ung dingsding o ung mismong kaaway mo. Pero ako syempre, hindi ko gagawin. Kung alam mo namang hindi sya karapat-dapat na sapakin ee, bat mo gagawin. Sana may Hammurabi code parin, para wala ng gagawa ng masama sayo. Pag sinabihan ka ng plastik, sabihan mo ren. Pag sinabihan ka ng pokpok, ibalik mo sa kanya tas tawanan mo, Tignan mo mukha nya, inis na inis no? O dikaya wag muna pansinin kasi maestress ka lang sa kanya, mapapagod yan. Hintayin mo lang.
Pero MASAYA talaga highschool. Lalo na kung marami kang kaibigan, sikat ka, o halos lahat na ng medals na sa iyo. Masaya ung bonding ng barkada tapos tawanan sa klase. Ung mga panahong sabay sabay kayong kakanta ng mga nakakainlove songs, tas sasabhan kayo nma "uulan na". Meron pa, ung mga party sa school na highlights ng taon. Sa madaling salita, sa kaibigan lang at sa mga taong nasa paligid mo ang dahilan ng kasiyahan mo. Pag di ka masaya sa mga kasama mo, umalis ka na. Kung ayaw mong hindi ma-enjoy ang buhay hayskul.
Ngayon, nauubos na ang oras, tumatakbo ang mundo. Isang taon na lang at kalahati, Graduate na ako. Mamamaalam na ako sa buhay ko bilang isang HIGHSCHOOL STUDENT. Gagawa ako ng mga bagay na di ko pagsisisihan. Bubuo ng mga masasayang alaala at itatago sa aking puso. Paulit ulit ko mang sabihin, MASAYA NGA ANG HIGHSCHOOL. Kung ayaw mo maniwala, wag ka na.
No comments:
Post a Comment