Thursday, September 9, 2010

Ang Musika: Boses ng ating mga Puso

"Ang musika ang sumasalamin sa pagkatao ng isang tao, nagsasalaysay ng paglalakbay at karanasan sa buhay, at nagpapakita ng mga bagay na itinatago natin sa aing mga puso."

Subukan mong umupo sa ilalim ng puno. Kumanta ka o di kaya makinig sa paborito mong kanta. Intindihin ng may puso at damhin ang hangin na dumarampi sa iyong pisngi. Masaya ba? tanungin mo ang iyong sarili. Kung tutuusin, ito na ang maiituturing na pinakamasaya at payapang nagyari sa iyong buhay. Ano ba ang mahika sa likod ng musika? Maituturing ba itong mahalaga?

Hindi maikakaila ngayon ang pagkaadik ng mga tao sa musika. Saan sulok mo man tignan, may makikita kang mga taong may nakasalpak na earphone sa tenga at nakikinig sa paboritong kanta Makakakita karin ng mga tao na halos ubusin na ang oras at pera sa pagkanta sa Videokehan. Isama mo narin ang mga taong naghahanap ng pagkakakitaan sa musika -- ang mga bulag na may hawak ng gitara at kumakanta, at mga batang kalye na may hawak na lata at tumutugtog sa bawat sasakyang nakatigil. Kahit saang aspeto mo man tignan, hindi mabubuhay ang tao sa isang mundo na walang musika. Mabuhay man, hindi magtatagal. Mamatay ang mga ito sa kalungkutan at kakulangan ng inspirasyon sa buhay. Kung wala kang buhay- pagibig, wag kang mag-alala, pwede kang mahulog sa musika. Hindi ka na masasaktan, masaya ka pa.

Sinasalamin ng musika ang pagkatao ng isang tao, yung gumawa man o yung nakikinig. Hindi maisusulat ng isang tao ang kanta kung hindi ito galing mismo sa kanyang sarili. At hindi naman makikinig ang mga nakikinig kung hindi naman sya matatamaan ng mensahe ng kanta. Lahat ng kanta may kwento. Minsan masaya, malungkot, o kaya minsan tama lang. Hindi man ito para sa iyo, magtatanong ka kung bakit ka natatamaan. Yan ang kapangyarihan ng musika, ang mailabas ng tao ang mga bagay na nagpapasaya man o nagpapabigat sa kanyang puso.

Isinasalaysay din ng musika ang ating mga paglalakbay at mga karanasan sa buhay. Masaya man o nagdurusa, may kwenta man o wala, makikita mo sa lyrics ng kanta. Nabubuo ang musika dahil sa mga lupon ng karanasan mo sa buhay. Malalaman mo na kung ipagsasama-sama mo ito at gagawing isang kanta, iisipin mong may nagawa ka palang maganda sa buhay mo. Patok na Patok ang mga love songs, lahat nakakarelate. Naalala ko nga yung paborito kong kanta ng Westlife, " My Love" yung title nya. Pinukaw ng lyrics ang damdamin ko, bilang tagapakinig. Samahan mo pa ng malamig na boses ng singer. Sino bang hindi mahuhulog? Wala. Kung meron man, hindi yun tao.

Sa buhay natin, hindi mawawala ang mga bagay ng itinatago natin sa ating mga puso. Mapapansin na ang laman ng mga kanta ay mga bagay na gusto mong mangyari. Tulad ng sa kanta, isa kang prinsesa. Sa kanta, mamaaring naabot mo na ang pangarap mo. O kaya sa kanta, sayo na ang taong mahal mo. Dahil sa musika, nagkakatotoo ang mga bagay na alam mong hindi mangayayri sa buhay mo. Kung baga, abot mo na ang lahat. Naging malupit man ang iyong kapalaran sa realidad ng buhay, mararanasan mo ang kaginhawaan at kasayahan na inaasam mo sa buhay. Walang limitasyon, walang pwedeng umekstra sa drama mo. Ikaw ang bida, ikaw ang direktor. Ang iisipin mo na lang, ay kung ano ang feedback nito sa tao.

Sadyang makapangyarihan ang Musika, parang pag-ibig. Ito ang maiituturing na wika ng lahat. Hindi mo man alam ang ibig sabihin ng lyrics ng kanta dahil iba ang ginagamit mong wika, pustahan maiintindihan mo parin. Dahil sa musika, nasasabi natin lahat ng mga bagay na hindi natin masabi na imposibleng itago sa sarili. Kung lalahatin, ang musika ang BUHAY kung papakinggan. Ito ang boses ng ating mga puso sa mga panahong pinipili nating manahimik na lang. Ito ay punong-puno ng mga bagay na nagbibigay inspirasyon sa buhay at handang samahan ka saan ka man makapunta, habangbuhay.


3 comments:

  1. ako first comment!!!hehe

    nice one. :) di ko akalain na makakapagsulat ka ng ganyang kalalim na literary piece. akala ko harry potter lang alam mo. :P

    keep it up! ako pa din first comment! sana hindi din ako yung last :)

    ReplyDelete
  2. galing..... imba... ganyan talaga pag music lover... hindi talaga natin maitatago na makapangyarihan ang musika.....^^ great work..... the best of all blogs I read.....^^

    ReplyDelete
  3. Hahaha. Thank you so much kim!

    ReplyDelete