Friendship... is not something you learn in school. But if you haven't learned the meaning of friendship, you really haven't learned anything."
Noong bata pa ako, lahat ng kalaro ko, kaibigan ko. Kahit madaya sa chinese garter o maangas sa pagyayabang ng barbie, okay lang, Pero, sa paglipas ng panahon, unti-unti kong nalalaman kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kaibigan. Kaibigan bang maituturing ang hangad lamang sa'yo ay pakinabang? O, kaibigan kalang niya kasi ikaw ang pinakasikat? Para sakin, hindi. Ewan ko sa'yo. Basta ako, isa lang ang pananaw ko. Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa tagal ng samahan o kung gaano na karami ang naitulong mo o naibigay nila sayo. Kundi kung paano pinapahalagan ng bawat isa ang espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila.
Kanina, aking napuna, nagtayuan ang magbabarkada hawak ang pangalang iniingat-ingatan nila. Lahat walang takot na humarap sa parusang maari nilang kaharapin. Lahat napasulyap sa kanila. Ultimo yung yung pinakawalang-pakealam sa klasrum ay lumaki ang mata at tinignan sila. Hindi sila nahiya. Tuwid ang tayo at puno ng pag-asa. Na sana, hindi magkakahiwa-hiwalay ang bawat isa sa araw na inaasahan nilang masaya silang tatawa at bubuo ng magagandang alaala. Akala nila bumait na ang leon sapagkat sa isang iglap, napaburan sila. Ngunit, kinain ng mapait na kapalaran ang kanilang pag-asa. Napaupo ang isa, sumunod ang isa pa. Hinawakan ang mata at pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata. Ngunit sadyang walang makakapantay sa bigat na nararamdaman nila. Tuluyan nang bumuhos ang luha at humagulgol sa harap ng iba. Makikita sa mga hindi kabarkada ang mukhang "wala kaming pakialam." Naaalala pa ng isang umiiyak na isang araw, nagplano ang buong klase. Na kahit kailan, ay walang hiwalayan. Ngunit bakit ganito? Walang nangahas maliban sa magkakabarkada. Naiwan sila sa ere. Sila ang napasama. Buti na lang, nagbago ang isip ng leon. Mukhang bumalik ang mood at pinagbigyan ang hiling. Pasalamat sila, may tumayo at nagkusa. "Buti nalang! May nag-ala Jose Rizal sa klase!" Kitang kita ang saya sa kanilang mukha. Hindi man lang nagpasalamat sa magbabarkada. Iniwan nanaman silang mag-isa habang ang iba, nagsasaya.
Ngayon, alam ko na. Hindi ka pala sigurado sa mga taong nakapaligid sayo. Maaring sa harap mo, mabait sila at nakangiti. Subalit pagkatalikod mo, pinapatay ka na unti-unti. Totoo pala na hindi dapat maniwala sa mga salita, maniwala sa gawa. Sapagkat ang iba, matapang lang kung nakatalikod ang kalaban, pag nakaharap, nagpapawis na sa takot. Buti nalang at tamang landas ang napili ko. Hindi man kami lahat matatalino, maganda, gwapo, at talentado .. ngunit may isang bagay na kaya naming ipagmalaki. Na sa ganitong edad, alam na namin ang tunay na kahulugan ng salitang pagkakaibigan. Lahat may pagpapahalaga sa bawat isa at nasa motto namin ang " Walang Iwanan."

haha .. ka.touch bie :) hehe .. APPRECIATE :) LIKE cu to hehe :D
ReplyDeleteSalamat bhie :D
ReplyDelete