Monday, November 8, 2010

Panakip-Butas

"Kapag pinilit mo ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo, para kang namamangka sa kalasda -- hindi ka na umuusad, mukha ka pang tanga."
Sa mundong ginagalawan ko, puno ng usok. Lason na unti-unting dumadaloy sa aking katawan at unti-unti akong pinapatay. Halos pinpigilan ko na ang aking paghinga at hilingin na sana hindi nalang ako nabuhay. Minsan, iniisip kong magpakamatay. Tapusin ang buhay na walang kulay at walang halaga. Na sana, ako na lang sila, o siya. Masaya, walang problema at kasama ka. Ultimo langgam, hindi pipiliing makipagpalitan sa posisyon ko. Bigo, malungkot, at puno ng pagsisisi. Katangahang pinairal ang naging sanhin ng butas sa aking puso. Nagsisisi na sana, hindi ka na lang nakita. Na sana, hindi nalang ikaw ang pinili ng tadhana. Bumabaha ng luha ang aking mundo. Nalulunod na ako. Sumisigaw ako kaso walang nakakarinig. Wala, ni isa. Ni ikaw na inaasahan ko na sasagip sa buhay kong nasa bingit ng kamatayan. Gayunpaman, nakikita kita. Ikaw yun, ang nasa kabilang bahagi ng mundo katabi ko. Masaya, puno ng kulay at pag-asa. Walang iniisip kundi sya. Samantalang ako, umaasa. Na sana, andyan ako sa mundong katabi ng akin, katabi mo. Tayo ang masaya at walang pakialam sa mundo. Ngunit parang panaginip lamang yun at masyado akong napaniwala, naging tanga, at nagdusa.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin to ngayon. Kahit ako mismo, alam kong maraming gustong pumasok sa mundo ko. Nagagalit ako sa mata ko kasi ikaw lang ang nakikita, ikaw lang ang perpekto sa kanya. Naawa ako sa sarili ko kapag may tumutulong luha sa mata ko. Na sana, wala na lang akong pakiramdam tulad mo. Ang tanga ko. Ang tanga ko. Yan lang ang masasabi ko sa sarili ko dahil naubos ang oras ko sa taong hindi ako kayang pahalagahan. Natatakot na akong magkagusto ulit, ayoko na kasi maulit pa. Siguro, mas pipiliin kong lumayo sayo at itakwil ang pagkakaibigan natin kaysa naman araw araw kitang nakikita. Bumabalik lang kasi yung pakiramdam eh. Yung tipong may flashback na nagaganap. Magiging masaya ako sa una, pero matatapos na luhaan. Mauulit nananaman ang lahat at ako ang mananatiling talunan.

No comments:

Post a Comment