Ang tao, dahil nga hindi perpekto, dumadating sa punto na nagkakamali. Gumagawa ng bagay na akala nila tama kasi ito'y masaya nang hindi muna inaalaam ang epekto nito. Tayong mga tao, masyadong dumidikit sa mga bagay na ating gusto. Oo, alam ko, maiksi ang buhay ng tao at dapat mabuhay ang bawat isa ng masaya. Pero masaya bang makita ang mundo na ikaw lang mag-isa? Ikaw mag-isang masaya, malungkot, umiiyak at nagwawala. Pasan mo ang sariling problema na walang tulong mula sa kasama at mag-isang tatahakin ang landas ng buhay. Ngayon, tatanungin ulit kita, masaya ba?
Parating pakatatandaan na ang buhay mo ay hindi para sayo lamang. Tandaan: Dalawa ang pinakaimportanteng araw sa buhay mo. Una, yung araw na pinanganak ka at pangalawa, ung nalaman mo kung para kanino ka nabuhay. Lagi mong i-consider ang magiging damdamin ng mga taong nakapaligid sayo. Minsan naman maging selfless ka. Hindi mo siguro napapansin yung mga sakripisyo nila para sayo. Itatak mo sa iyong puso't isipan na hindi mo mararating kung saan ka man ngayon kung hindi dahil sa kanila. Huwag sarilihin ang lahat, kapatid. Tandaan na hindi nagsarili ang diyos at mas piniling iligtas tayo. Alam nating lahat na ang ang paraiso ay hindi mabubuo kung walang kasama si Adan, o walang kasama si Eba. Lahat magkakadugtong, parang PUZZLE yan. Hindi mo pwede ikabit ang isa sa hindi nya kapareha, dahil kung ginawa mo, mukhang alien na yan. Kasi lahat ng tao may nakalaan na kasama. Kailangan lang maghintay. At pag andyan na, pahalagahan at mahalin, hindi awayin. Kasi minsan lang dumadating ang taong magpapahalaga sayo. Wala nang wait! Wala nang Teka muna! Kasi iyan pag nawala, parang isang bula.
Kung lalahatin, isa lang ang ibig nitong sabihin, "Ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang." Matutong magpahalaga sa kapwa at mabubuhay ka ng masaya.
No comments:
Post a Comment